STREET VENDORS

February 1, 2020 Saturday ang ikalawang araw ko sa gawaing pansibiko. Araw-araw gabi-gabi nakikita ko sila sa daan. Ang iba naka babad sa init habang ang iba naman ay sumisilong sa may puno upang hindi mainitan. Sila ang mga taong naghahanap buhay ng marangal upang kumita sa isang araw. Tuwing hapon pagkatapos ng klasse ay nakapuwesto na sila sa labas ng paaralan upang magtinda. Madalas ang bumibili sakanila ay mga estudyante dahil mura lang at abot kaya sa bulsa. Makakabili ka na sa halagang sampung piso.  Nilalapitan natin sila para sabihing “Ate pabili nga po ng Tempura” “Kuya pabili nga po ng kwek-kwek isa lang po” sila ang tinatawag nating street vendors. Kaya ngayong araw bumili ako kay kuya upang kahit sa kaunting sampung pisong bili ko sakanya ay kumita siya kahit papaano. Sila ang isa sa mga ipinagmamalaki natin bilang isang Pilipino dahil binebenta nila ang mga pagkaing sa Pilipinas lamang makikita. Kagaya na lamang ng pagkaing “kwek-kwek” na iniluluto gamit ang mantika at ipiprito upang maluto. Ito ay sikat na sikat na pagkain na karamihan sa atin ay nakatikim na nito. Habang bumibili ako ng tempura ay tinanong ko si kuya kung bakit siya nagbebenta ng mga street foods, sabi niya “Mao mani among negosyo gyud sauna pa lang”, “Ito talaga ang negosyo namin dati pa” sabi nito. Nakakatuwa isipin kahit hindi pang-professional ang kanilang trabaho at minsan sakto lang ang kanilang kiniketa upang makakain sa isang araw ay ito ang kanilang piniling negosyo at hindi lumingon sa maling daan sa buhay gaya na lamang ng pagbebenta ng mga droga o masasamang gawain. Pagbili lang ng kahit sampung piso sakanila ay malaking tulong na ito. Kaya’t paminsan-minsan kung merong natitirang pera ay bumibili ako sakanila. Kaya’t may nakuha akong aral kay kuya na bawat tao na sumusuko sa buhay ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Kahit sa hirap ng buhay ay nagawa parin nilang umahon sa kahirapan dahil sa pagbebenta ng mga street foods. Ito lamang ay pagsubok, nasa atin kung tayo ay magpapadala o may lakas upang lagpasan ang bawat hamon na ibinibigay sa atin. Subukang lumingon sa magandang banda ng ating buhay at gawing hugot ito upang mag simula ulit sa palaisipang buhay na ating tinatahak bawat araw.

#SeniorsinAction

Published by carbonjoejehan10

Gr.10 student

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started