BAYANIHAN

February 3, 2020 Monday ang ika-apat na araw ko sa gawaing pansibiko. Ngayong araw ay walang masyadong nagbago sa gawi ko tuwing umaga. Ngayon ay Lunes ibig sabihin may pasok na naman. Kailangan gumising ng maaga para hindi mahuli sa klasse. Minsan ay hindi talaga ako maka-habol sa flag ceremony dahil paglabas ko palang sa kanto namin ay marami na kaagad ang mga taong nag aantay ng masasakyan. Kailangan ko pang makipag-unahan sakanila para sa huli ay maka sakay ako ng jeep. Mabuti nalang at nakahabol ako kanina sa flag ceremony at nakadalo sa unang gawain sa skwelahan. Gaya ng normal na araw ko tuwing linggo may bago na naman akong natutunan sa bawat asignatura. Dumako tayo pagkatapos ng klasse. Pagkatapos ng klasse ay tinulungan ko muna ang aking kaklasse sa kanyang costume sa paparating na family day namin sa linggo. Pagkatapos nun ay umuwi na ako sa bahay namin. Nakasanayan ko na ring matagal akong makauwi dahil sa limitado lang ang pampublikong sasakyan ng Compostela at mas marami ang mga pampublikong sasakyan ng Liloan. Dahil tatlumpung minuto na ako naghihintay ng pampublikong sasakyan ng Compostela ay sumakay nalang ako kahit ito ay punong-puno. Nakaupo ako sa pinakadulo malapit sa driber ng jeep. Kaya tulad ng dati kapag ako ang nakaupo malapit sa driber ay ako ang taga-abot ng pamasahe. Kahit ito lang ang nagawa ko ngayong araw ay natulungan ko parin ang aking kapwa “commuters” sa pag-abot ng pamasahe nila. Mas napapadali ang pagbabayad kapag may isang tao o ikaw mismo ang mag boluntaryong taga abot ng pamasahe. Minsan rin ay may mga taong mahihina  ang kanilang boses at hindi masyadong naririnig ng drayber. Kaya minsan ay inuulit ko ang kanilang sinabi ng mas malakas para marinig ng mabuti ng drayber. Sanay na akong mag-abot ng pamasahe dahil palagi naman akong naka commute lalong-lalo na tuwing may klasse. Ang gawaing ito ay mahahalintulad ko sa pagbabayanihan ng mga tao. Gaya nalamang ng nakikiusap na iabot sa drayber ang pamasahe at kukunin sa katabi nito at ipapasa naman sa iba hanggang sa umabot ito sa drayber. Hindi ito maiaabot sa drayber kapag walang mga taong nagtutulungan. Kaya ang natutunan ko dito ay kapag mas maraming nagtutulungan ay mas napapadali ang isang gawain dahil sa mga taong busilak ang pusong tumulong sa iyo.

Published by carbonjoejehan10

Gr.10 student

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started