February 4,2020 Tuesday ang ika-limang araw ko sa gawaing pansibiko. Kung Lunes ay dapat maaga akong gumising para hindi ma late sa flag ceremony or sa klasse, lalong lalo na kapag martes dahil ito ang araw ko sa paglilingkod bilang isang CAT student. Tuwing Martes sa umaga ay kadalasang nasa gate ang inaatas sa akin. Minsan lang sa 1st floor, 2nd floor, 3rd floor, o hindi kaya’y 4rth floor. Sa post namin ay kami ang mag babantay, panatilihing malinis, walang masyadong maingay, at walang gulo ang mangyayari. Pagkarating ko kaagad sa school ay dumeretso ako sa may gate upang batiin ang mga studyanteng pumapasok at mga magulang ng “magandang araw”. Pagkatapos ng pagkanta ng Lupang Hinirang ay namimigay ako ng mga tardy slip o hindi kaya’y violation card. Binibigay ang tardy slip sa mga mag-aaral na nalalate pumasok bago pa matapos ang flag ceremony at ang violation card naman ay binibigay kapag ang mga kapwa ko mag-aaral ay hindi kompleto ang kanilang uniform o may printed t-shirt silang sinusuot. Pagkatapos ng duty ko sa may gate ay babalik naman ako sa oras ng recess. Ang post ko sa recess ay nasa 3rd floor. Sinisigurado kong tahimik at walang gulo ang mangyayari. Isa narin sa binabantayan naming mga CAT students ay ang pag gamit ng mga gadgets, lalong lalo na sa senior high department kung saan marami na ang na aktohan na gumagamit tuwing break time o hindi kaya’y lunch time. Kapag tumunog na ang bell hudyat ito na magsisimula na ang klasse. Dahil dun ay pinapasok ko ang mga mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan. 12:00 pm oras naming mga Cat students na mag duty ulit. Naatasan akong mag bantay sa 1st floor, madalas akong naka post sa canteen kapag lunch break kaya’t malaking pasasalamat kong sa 1st floor ako inilagay. Gaya ng dati’y pinapanatili kong walang gulo ang mangyayari at sinisita ang mga tumatakbo para mag-laro. Kadalasan sa mga naglalaro ay nasa grade school department. Mahirap silang pakiusapan dahil hindi sila nakikinig, kung makikinig man ay hihinto sila sandali ngunit ipagpapatuloy nila ang kanilang paglalaro maya-maya. Ang panghuli kong gagawin sa ngayong araw bilang CAT student ay mag flag retreat kasama ng mga Co-CAT students ko tuwing martes. Ang ginawa namin sa flag retreat ay ibinababa namin ang watawat ng Pilipinas para ibalik sa lalagyan nito. Bilang isang CAT student ay isang karangalang pakapaglingkod sa kapwa ko mag-aaral sa paaralang Divine Life Institute of Cebu. Hindi lang nalilimitahan ang pagtulong namin bilang isang CAT sa paaralan, kundi kasali na rin sa labas man ng skwelahan. Kahit minsan ay nahihirapan ako dahil nababawasan ang oras sa mga kailangan kong gawin sa school, nahahati ito dahil napupunta sa duties namin bilang isang CAT. Kahit pa ganoon ay masaya naman ako dahil nakaranas ako sa mga gawaing nakakatulong sa ibang tao at may matutunan akong aral bawat araw.
