February 5,2020 ika-anim na araw ko sa gawaing pansibiko. Pinamagatan kong “Limos” ang blog kong ito dahil sa isang batang naki-usap sa akin na bigyan ko siya ng pera sa kadahilanang… February 5 Wednesday, kahapon ang duty ko bilang isang CAT student. Balik na naman sa mga nakasanayan kong gawain ang matuto at makinig sa mga bagong aral araw-araw. Gaya ng dati pagkatapos ng buong klasse ay umuwi ako kaagad. Sa ngayon ay hindi mahirap ang pag-antay ko ng jeep dahil nakasakay naman ako kaagad at maluwag ito. Kadalasang puno ang jeep kapag araw ng Lunes, Martes o Biyernes kaya maaga akong umuuwi para hindi maabotan ng rush hour at makauwi ng matiwasay. Pagdating namin sa paaralang LCC ay may mga taong sumakay isa naroon ang batang lalaki na naka tsinelas, t-shirt na black at naka shorts. Tumabi ito sa akin. Maya-maya’y umusad na ang jeep, nagulat nalang ako ng kalabitin ako ng bata at sinabing “Ate.. ate.. taga-e kog kwarta akong lola gi atake intawn” paulit-ulit niya itong sinabi sa akin. Hindi ko siya pinansin. Maya-maya’y sa ibang pasahero na naman siya kumalabit sabi niya “Ate… kuya… mangayo kog kwarta akong lola intawon gi atake”. Paulit-ulit niya itong sinasabi hanggang sa makarating kami sa Jubay. Hindi ito tumitigil hanggat walang pumapansin sa kanya. Kahit sa expression kong wala akong paki-alam ay gustong-gusto kong magtanong kong ano ang nangyari. Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng ganoong eksena at nasa tabi ko pa siya namamalimos para sa lola niyang inatake. Nang hindi ko matiis ay tinanong ko siya kung saan siya papunta at kong may pamasahe ba siya dahil sa tingin ko’y mahirap lang ito at walang ibang dala kundi ang sarili niya. Sabi niya.. taga Compostela daw siya at wala daw siyang pamasahe, kaya’t kumuha ako ng walong barya sa pitaka sapat na sakanya upang makabayad ng pamasahe. Binigay ko sakanya at sinabing “O e-plete na, wala koy lain ika hatag nimo dong kay wala sad koy kwarta, ihatag nas driver” may sinabi siya pagkatapos kung sabihin yun, sa tingin ko ay “salamat nalang te”. Parang ayaw pa niyang tanggapin ngunit pinilit kong ibigay sakanya. Pagkatapos ko siya bigyan ng pamasahe ay hindi parin ito tumigil sa pangungulit sa ibang pasahero. Nanlilimos parin ito at parehong mga salita ang sinasabi na “Ate… kuya taga-e kog kwarta gi atake intawn akong lola”. May babae na tumingin sa kanya at sinabing.. “Asa diay imong mama? Imong papa? mga parente nimo? Adto ka mangayo og tabang dili anhi sa jeep kay dili mani para mangayo og kwarta dong, o kaya kay mayor ka mangayo og tabang, diba taga Compostela man ka? si Mayor mo hatag mana sa mga nahinanglan, kasabot ka dong?. Tumigil ito sandali.. hanggang sa tinapakan niya ang isang lalaki na naka sapatos dahil walang pumapansin sa kanya. Nagulat nalang ako dahil sinabi ng lalaki na “ayaw tamaki akong sapatos dong, gi unsa man tika?, ayaw kog artihe kay kahibaw nako sa imong istayl ika pila nako naka sakay nimo mao ra gihapon imong styl, pag tinarong sa imong kinabuhi dong”. At dahil doon nalaman kong hindi pala totoo ang pinagsasabi ng bata. Imbes na maawa ako sakanya ay pagsisisi ang naramdaman ko dahil binigyan ko siya ng pera ngunit palabas lang pala ang lahat ng yon. Ngunit may parte din sakin na sang-ayon na binigyan ko siya ng pamasahe dahil walang-wala talaga siya at kawawa naman ang driver dahil kung sakaling hindi ko binigyan ng pamasahi ang bata ay lugi ang driber. Masasabi ko nalang na mag-ingat sa mga manloloko kahit ang kaharap mo’y isang bata o kaawa-awang tignan. Dahil hindi natin alam ang kanilang totoong intensyon kung masama ba o mabuti kung totoo ba o kasinungalinan.-tinuod jud ni nga nahitabo miss #sooodisappointedsabatanglalaki
