Simula pa nung unang araw ko sa pag bblog hanggang sa panghuling gawaing pansibiko ay marami akong natutunan. Dahil sa pag bblog ay na obserbahan ko at may alam ako sa mga nangyayari sa aking paligid. Nalaman ko ang mga simpleng kilos ay may malaking epekto sa ibang tao o sa mamamayan. Minsan marami akong ginagawa ay hindi ko na ito napagtanto na ang ibang nagawa ko ay isa na itong pansibikong gawain. Na isang mabuting kilos patungo sa ibang tao ay nakakatulong at nakakaga-an sa pakiramdam. Lahat ng mga nagawa ko sa loob ng sampung araw ay nakatatak na ito sa aking isipan. Balang araw ay maalala ko na tumulong ako sa mga nangangailangan at nagpakita ng pagmamalasakit sakanila. Mapa bata man matanda, kakilala ko man o sa mga hindi ko kilala. Isa rin sa natutunan ko ay kahit hindi ko kakulay, kadugo o kakilala ang isang tao ay hindi ito hadlang upang tulungan ko ito. Dahil isa sa mga problema sa isipan ng mamamayan ay kapag nasa mababang antas ka ay hindi ka titignan o tulungan man lang. Ngunit kapag ikaw ay nasa itaas ay maraming kusang loob ang tutulong sa iyo ngunit may kapalit. Sa pagkakaalam ko ang serbisyong pansibiko ay kusang loob at busilak ang puso sa kung ano ang mga gusto mong gawin. Tumulong sa mga nangangailangan o sa mga nahihirapan nawalang kapalit. Marami pang araw ang may pagkakataon na maari akong tumulong. Syempre, gagawin ko ulit ang mga iyon hindi dahil sa may maisulat lang kundi gusto kong tumulong sa ibang tao. Masarap kasi sa pakiramdam lalo na’t may mabuti kang nagawa sa kapwa mo o sa ibang tao. Kaya araw-araw ay naitatak na sa puso’t isipan ko na ang pagbibigay ng tulong sa ibang tao lalong-lalo na kapag sila ay nasa mahirap na situwasyon ay katumbas ng pagbibigay ng diyamante. Diyamanteng may malaking halaga at kaayaayang tignan, tignan ang napakagandang ugaling kumikinang.



