February 28, 2020 friday. (Present) Kapag Biyernes ay maaga ang aming dismissal dahil pagkatapos ng klasse sa umaga ay susunod naman ang clubbings namin sa hapon. Sandali lang din ang clubbings namin. Dahil maaga pa ay nanuod muna ako kasama ng aking mga kaklasse na pelikulang “Divine Theory” sa Laptop ni miss Lagala. Dahil sa pelikulang iyon ay natutunan kung huwag mawalan ng pananampalataya sa panginoon dahil sa mga pagsubok na naranasan natin. Bagkus ay gawin itong insperasyon sa buhay at mas pagtibayin ang paniniwala sa ating panginoon. Pagkatapos namin panoorin ang Divine Theory ay nagpaalam na kami sa aming guro at kanya-kanyang umuwi sa bahay namin. Ngunit bago ako umuwi, ay inutusan ako ng aking ina na bumili ng grocery pagkatapos ng aming klasse. Kaya’t pumunta muna ako sa gaisano lilo-an upang bumili ng mga inutos ng aking ina. Unang binili ko ay preservative foods, gaya ng de-lata, hotdogs at iba pa. Pagkatapos naman ay pumunta ako sa mga seasoning section sa mall, kumuha ako ng breadcrumbs, pepper, salt, at iba pa. Pagkatapos naman doon ay lumakad ako ng sandali upang hanapin ang toyo, ngunit pagkalagpas ko sa isa sa mga manggagawa ng grocery ay nahulog ang karton na inaayos ng manggagawang lalaki. Ito yong mga karton na nakasilid ang mga produkto sa grocery at kinukuha ng mga mangagawa upang ilagay sa dapat lalagyan nila. Kaya ang ginawa ko ay tinulungan ko ang lalaki na pulotin ang mga de-box na karton at nagpatuloy ako sa pag ggrocery. (Nakalimutan ko na kung anong araw ito, ngunit biyernes din galing sa school ininsert ko lang ->) Nang napadaan ako sa may counter ay nakita ko si Miss Guzman na naka pila sa counter. Nang napadaan ako malapit sa kanya ay bumati ako ng magandang gabi at sinabing mauna na ako, bumati rin pabalik si miss Guzman sa akin at sinabing “sigeee” at nag paalam din (<- End). (Present) Nang nahanap ko na ang lahat ng ipinag utos na bilhin sa akin ay dumeretso na ako sa counter para bayaran ang lahat ng ipinamili ko. Wala na roon si Miss Guzman ng naroon na ako. Kaya’t pumila ako ng maayos at naghintay ng ilang sandali. May isang mangagawa na kinokolekta ang mga cart para ibalik sa lalagyan nito. Dahil marami o mahaba na ang mga cart na nakolekta niya ay nahihirapan siyang e kontrol, dahil gumigiwang ang mga cart dahil sa napakadami na nito. Kaya’t hinawakan ko ang mga cart para pumunta ito sa tamang direksyon. Pagpaalam, Sinusunod ang utos ng mga magulang, Pagtulong ng mga simple gaya ng pag pulot ng mga nahulog na bagay at ilagay sa tamang lalagyan, Pagbati ng magandang umaga, magandang hapon o magandang gabi ay malaking tulong na ito sa ating pamayanan at maging sa ating sariling ugali. Isa ito sa mga mabuting gawain na kayang-kayang gawin ng ibat-ibang tao ano man ang kanyang antas sa buhay o magkaiba man ang pananaw nito. Kung tayong lahat ay ganito ang ugali ay maaring magkaroon tayo ng simple at may magandang ugali maging ano at sino ka man.