February 29, 2020 Saturday. Ngayong araw ay Sabado. 11:06 ng umaga na ako nagising dahil bumabawi ako ng tulog dahil sa mga nakaraang araw ay matagal akong natulog dahil sa mga gawain na kaugnay sa school works namin. Kaya ang breakfast ko ay naging lunch. Gaya ng dati gusto ko kapag saturdays ay wala akong ginagawa dahil gusto kong mag-laan ng tinatawag na vacation from school kahit isang araw man lang. Kaya kapag sunday ay duon na ako gumagawa ng mga assignments o nag aaral para sa paghahanda naman para sa school kinabukasan (lunes). Buong hapon ay nag ccellphone lang ako habang naka higa. Ngunit habang nag ccelphone ay gumagawa at nag ttype ng blog ko ngayon. Kanina lang ay may dumaang nakamotor sa bahay namin. Malapit lang kasi sa kalsada ang bahay namin kaya maraming sasakyan o hindi kaya’y nagmomotor ang dumadaan sa aming bahay. Nagkataon ring lumabas ako ng bahay upang magpahangin at tumitingin-tingin sa labas, tumigil ang naka motor na hindi ko alam kong mag asawa ba sila basta babae at lalaki. At nagtanong kung saan daw nila mahahanap ang bahay ng mga Castro. Dahil kapit bahay lang din namin sila at kilala ko ang mga Castro ay sinabi ko kung saan ang kanilang bahay at itinuro ang direskyon kung saan nila matatagpuan ang bahay na hinahanap nila. Dahil lang sa pagpapahangin ko sa labas ng aming bahay ay may natulungan na naman ako kahit sa simpleng bagay. Napakagandang timing. At dahil doon, ay dito na nagtatapos ang aking sampung araw sa mga gawaing pansibiko. ^^
Blog #9 : MANGGAGAWA
February 28, 2020 friday. (Present) Kapag Biyernes ay maaga ang aming dismissal dahil pagkatapos ng klasse sa umaga ay susunod naman ang clubbings namin sa hapon. Sandali lang din ang clubbings namin. Dahil maaga pa ay nanuod muna ako kasama ng aking mga kaklasse na pelikulang “Divine Theory” sa Laptop ni miss Lagala. Dahil sa pelikulang iyon ay natutunan kung huwag mawalan ng pananampalataya sa panginoon dahil sa mga pagsubok na naranasan natin. Bagkus ay gawin itong insperasyon sa buhay at mas pagtibayin ang paniniwala sa ating panginoon. Pagkatapos namin panoorin ang Divine Theory ay nagpaalam na kami sa aming guro at kanya-kanyang umuwi sa bahay namin. Ngunit bago ako umuwi, ay inutusan ako ng aking ina na bumili ng grocery pagkatapos ng aming klasse. Kaya’t pumunta muna ako sa gaisano lilo-an upang bumili ng mga inutos ng aking ina. Unang binili ko ay preservative foods, gaya ng de-lata, hotdogs at iba pa. Pagkatapos naman ay pumunta ako sa mga seasoning section sa mall, kumuha ako ng breadcrumbs, pepper, salt, at iba pa. Pagkatapos naman doon ay lumakad ako ng sandali upang hanapin ang toyo, ngunit pagkalagpas ko sa isa sa mga manggagawa ng grocery ay nahulog ang karton na inaayos ng manggagawang lalaki. Ito yong mga karton na nakasilid ang mga produkto sa grocery at kinukuha ng mga mangagawa upang ilagay sa dapat lalagyan nila. Kaya ang ginawa ko ay tinulungan ko ang lalaki na pulotin ang mga de-box na karton at nagpatuloy ako sa pag ggrocery. (Nakalimutan ko na kung anong araw ito, ngunit biyernes din galing sa school ininsert ko lang ->) Nang napadaan ako sa may counter ay nakita ko si Miss Guzman na naka pila sa counter. Nang napadaan ako malapit sa kanya ay bumati ako ng magandang gabi at sinabing mauna na ako, bumati rin pabalik si miss Guzman sa akin at sinabing “sigeee” at nag paalam din (<- End). (Present) Nang nahanap ko na ang lahat ng ipinag utos na bilhin sa akin ay dumeretso na ako sa counter para bayaran ang lahat ng ipinamili ko. Wala na roon si Miss Guzman ng naroon na ako. Kaya’t pumila ako ng maayos at naghintay ng ilang sandali. May isang mangagawa na kinokolekta ang mga cart para ibalik sa lalagyan nito. Dahil marami o mahaba na ang mga cart na nakolekta niya ay nahihirapan siyang e kontrol, dahil gumigiwang ang mga cart dahil sa napakadami na nito. Kaya’t hinawakan ko ang mga cart para pumunta ito sa tamang direksyon. Pagpaalam, Sinusunod ang utos ng mga magulang, Pagtulong ng mga simple gaya ng pag pulot ng mga nahulog na bagay at ilagay sa tamang lalagyan, Pagbati ng magandang umaga, magandang hapon o magandang gabi ay malaking tulong na ito sa ating pamayanan at maging sa ating sariling ugali. Isa ito sa mga mabuting gawain na kayang-kayang gawin ng ibat-ibang tao ano man ang kanyang antas sa buhay o magkaiba man ang pananaw nito. Kung tayong lahat ay ganito ang ugali ay maaring magkaroon tayo ng simple at may magandang ugali maging ano at sino ka man.
Blog #8 TANONG
February 20, 2020 Thursday, masayang-masaya ako ngayon dahil bukas ay biyernes. Isang araw nalang ay weekends na naman. Ngayong araw ay hindi ako nahuli sa klasse at naka abot sa flag ceremony. Hanggang sa maabot ng makakaya ko ay umiiwas ako na ma late dahil isa akong moving up student at ayokong may record ako na may maraming lates na maaaring makasira sa records ko bilang isang estudyante. (Fast forward) 3:50 ang uwian namin kaya’t maaga pa lang ay umuwi na ako sa amin. Nag hintay ako ng masasakyan ng mga ilang sandali at maya-maya’y nakasakay naman ako. Kadalasan kapag sumasakay ako ng jeep ay may mga tao talagang magtatanong. Kung magkano ang pamasahe papuntang ……, kung anong lugar na ba ito, anong sasakyan papuntang ….., at marami pang iba. Kahit ako rin minsan ay nagtatanong kung magkano ang pamasahe. Gaya nalang dati noong pumunta ako sa bahay ng kaklasse ko sa lugar Bagong Daan. (Flashback) Pumunta ako sakanila sa kadahilanang kailangan namin magtipon-tipon (dahil grupo kami) upang mas makapagplano at magawa ang proyekto namin na wood working. Kailangang kami mismo ang gagawa sa aming furniture para ipapasa namin sa padating na Lunes. Ito ang pangalawa sa huli naming proyekto sa asignaturang TLE. Kaya’t kailangang maganda at presentable dahil kailangan pa itong e judge ng ibang guro. Unang pagkakataon kong makapunta sa Bagong daan kaya’t hindi ko alam kung magkano ang pamasahe. Noong panahong din iyon ay marami ding naka-antabay na naghihintay ng jeep na masasakyan. Kaya’t sa tingin ko’y umabot ng isang oras bago ako nakasakay ng Compostela, hapon na din kasi iyon at rush hour na. Nang nakasakay na ako ng jeep kukuha na sana ako ng pitaka ngunit naalala ko na hindi ko pala alam ang pamasahe. Nang makita kong hindi naman busy ang babaeng nasa harapan ko ay nagtanong ako dito. Sabi ko “Ate pila diay plete gikan Bagong Dan hantud Compostela?””Ate magkano po ba yong pamasahe galing sa Bagong Daan hanggang Compostela?” Tanong ko kay ate. Sagot naman nito ay “Diyes ra dai” “Sampung Piso lang iha”. Dahil doon ay nakapamasahe ako ng tama at dahil iyon kay ate, salamat kay ate. (Present) nang nakasakay na ako ng jeep ay may nagtanong sa akin kung magkano ang pamasahe galing daw siya sa Lilo-an hanggang Compostela. Kaya sinagot ko ang kanyang tanong at dahil doon ay nagpasalamat siya akin. Naisip ko sa mga oras ng pangangailangan ay nandiyan ang mga taong kahit hindi ko kakilala ay tumutulong at sumasagot sa mga katanungang hindi ko alam. Kaya natutunan ko sa oras na may nangangailangan ay tutulungan ko din ito, kahit man lang sa mga simpleng bagay. Dahil ang importante ay nakatulong ka galing sa magandang intensiyon mo na may pusong busilak at gustong tumulong. Dahil masarap marinig galing sa kanilang mga bibig ang salitang “Salamat”.
ANG AKING NAPAGTANTO
Simula pa nung unang araw ko sa pag bblog hanggang sa panghuling gawaing pansibiko ay marami akong natutunan. Dahil sa pag bblog ay na obserbahan ko at may alam ako sa mga nangyayari sa aking paligid. Nalaman ko ang mga simpleng kilos ay may malaking epekto sa ibang tao o sa mamamayan. Minsan marami akong ginagawa ay hindi ko na ito napagtanto na ang ibang nagawa ko ay isa na itong pansibikong gawain. Na isang mabuting kilos patungo sa ibang tao ay nakakatulong at nakakaga-an sa pakiramdam. Lahat ng mga nagawa ko sa loob ng sampung araw ay nakatatak na ito sa aking isipan. Balang araw ay maalala ko na tumulong ako sa mga nangangailangan at nagpakita ng pagmamalasakit sakanila. Mapa bata man matanda, kakilala ko man o sa mga hindi ko kilala. Isa rin sa natutunan ko ay kahit hindi ko kakulay, kadugo o kakilala ang isang tao ay hindi ito hadlang upang tulungan ko ito. Dahil isa sa mga problema sa isipan ng mamamayan ay kapag nasa mababang antas ka ay hindi ka titignan o tulungan man lang. Ngunit kapag ikaw ay nasa itaas ay maraming kusang loob ang tutulong sa iyo ngunit may kapalit. Sa pagkakaalam ko ang serbisyong pansibiko ay kusang loob at busilak ang puso sa kung ano ang mga gusto mong gawin. Tumulong sa mga nangangailangan o sa mga nahihirapan nawalang kapalit. Marami pang araw ang may pagkakataon na maari akong tumulong. Syempre, gagawin ko ulit ang mga iyon hindi dahil sa may maisulat lang kundi gusto kong tumulong sa ibang tao. Masarap kasi sa pakiramdam lalo na’t may mabuti kang nagawa sa kapwa mo o sa ibang tao. Kaya araw-araw ay naitatak na sa puso’t isipan ko na ang pagbibigay ng tulong sa ibang tao lalong-lalo na kapag sila ay nasa mahirap na situwasyon ay katumbas ng pagbibigay ng diyamante. Diyamanteng may malaking halaga at kaayaayang tignan, tignan ang napakagandang ugaling kumikinang.




BLOG#7 BIGAY
February 6,2020 Thursday ika-pitong blog ko sa gawaing pansibiko. Ngayong araw ay napag desisyonan ng ina ko na magluto ng champorado dahil may sobra pa kaming evap na hindi nagamit. Kaya imbes na itapon ito at masayang ay nagawan ng paraan ng ina ko at gumawa nalang ng champorado para hindi ito maitapon. Naparami ang gawa ng ina ko hindi kasi ako kumakain ng champorado, hindi rin kumakain ang kapatid ko kaya siya lang ang kumakain. Tinikman ko ito, masarap naman dahil malalasam ko talaga ang maraming gatas at chocolate nito. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga luto na may kakanin. Nang may kaunti pang natira ay sinubukang ibigay sa akin ng ina ko ngunit sinabi ko sakanyang busog na ako dahil katatapos lang din naming mag meryenda. Para hindi ulit ito masayang ay napag desisyonan kung e-suggest sa aking ina na baka pwedeng ibigay nalang ang natirang champorado sa mga batang naglalaro sa labas ng aming bahay. Madalas kasi silang naglalaro sa tapat ng bahay namin sa hapon kaya hindi sila mahirap hanapin. Mabuti din ito dahil galing sila sa paglalaro kaya paniguradong gutom sila. Sinabi ng aking ina na magandang idea na ibigay nalang sa mga bata sakaysa itapon ito at sayang naman. Mabuti nalang at may natira pang maraming plastic cups sa lalagyan namin at iyon ang ginamit para gawing lalagyan. Nang matapos iligay sa mga plastic cups ang champorado ay ibinigay na namin ito sa mga bata. Lingid sa kaalaman ko na maraming bata ang gutom araw-araw. Mga batang kulang sa nutrisyon at makakain dahil walang pambiling pagkain. Kaya’t hanggang sa may maibigay ako sa kanila ay ibibigay ko para hindi ito masayang. Iniisip kong maraming gutom sa iba’t-ibang lugar at dapat ay hindi aksayahan ang mga pagkaing nasa harap. Dahil maraming bata ang gustong-gusto sa katayuan kong ito na makakain ng tatlong beses sa isang araw.

LIMOS
February 5,2020 ika-anim na araw ko sa gawaing pansibiko. Pinamagatan kong “Limos” ang blog kong ito dahil sa isang batang naki-usap sa akin na bigyan ko siya ng pera sa kadahilanang… February 5 Wednesday, kahapon ang duty ko bilang isang CAT student. Balik na naman sa mga nakasanayan kong gawain ang matuto at makinig sa mga bagong aral araw-araw. Gaya ng dati pagkatapos ng buong klasse ay umuwi ako kaagad. Sa ngayon ay hindi mahirap ang pag-antay ko ng jeep dahil nakasakay naman ako kaagad at maluwag ito. Kadalasang puno ang jeep kapag araw ng Lunes, Martes o Biyernes kaya maaga akong umuuwi para hindi maabotan ng rush hour at makauwi ng matiwasay. Pagdating namin sa paaralang LCC ay may mga taong sumakay isa naroon ang batang lalaki na naka tsinelas, t-shirt na black at naka shorts. Tumabi ito sa akin. Maya-maya’y umusad na ang jeep, nagulat nalang ako ng kalabitin ako ng bata at sinabing “Ate.. ate.. taga-e kog kwarta akong lola gi atake intawn” paulit-ulit niya itong sinabi sa akin. Hindi ko siya pinansin. Maya-maya’y sa ibang pasahero na naman siya kumalabit sabi niya “Ate… kuya… mangayo kog kwarta akong lola intawon gi atake”. Paulit-ulit niya itong sinasabi hanggang sa makarating kami sa Jubay. Hindi ito tumitigil hanggat walang pumapansin sa kanya. Kahit sa expression kong wala akong paki-alam ay gustong-gusto kong magtanong kong ano ang nangyari. Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng ganoong eksena at nasa tabi ko pa siya namamalimos para sa lola niyang inatake. Nang hindi ko matiis ay tinanong ko siya kung saan siya papunta at kong may pamasahe ba siya dahil sa tingin ko’y mahirap lang ito at walang ibang dala kundi ang sarili niya. Sabi niya.. taga Compostela daw siya at wala daw siyang pamasahe, kaya’t kumuha ako ng walong barya sa pitaka sapat na sakanya upang makabayad ng pamasahe. Binigay ko sakanya at sinabing “O e-plete na, wala koy lain ika hatag nimo dong kay wala sad koy kwarta, ihatag nas driver” may sinabi siya pagkatapos kung sabihin yun, sa tingin ko ay “salamat nalang te”. Parang ayaw pa niyang tanggapin ngunit pinilit kong ibigay sakanya. Pagkatapos ko siya bigyan ng pamasahe ay hindi parin ito tumigil sa pangungulit sa ibang pasahero. Nanlilimos parin ito at parehong mga salita ang sinasabi na “Ate… kuya taga-e kog kwarta gi atake intawn akong lola”. May babae na tumingin sa kanya at sinabing.. “Asa diay imong mama? Imong papa? mga parente nimo? Adto ka mangayo og tabang dili anhi sa jeep kay dili mani para mangayo og kwarta dong, o kaya kay mayor ka mangayo og tabang, diba taga Compostela man ka? si Mayor mo hatag mana sa mga nahinanglan, kasabot ka dong?. Tumigil ito sandali.. hanggang sa tinapakan niya ang isang lalaki na naka sapatos dahil walang pumapansin sa kanya. Nagulat nalang ako dahil sinabi ng lalaki na “ayaw tamaki akong sapatos dong, gi unsa man tika?, ayaw kog artihe kay kahibaw nako sa imong istayl ika pila nako naka sakay nimo mao ra gihapon imong styl, pag tinarong sa imong kinabuhi dong”. At dahil doon nalaman kong hindi pala totoo ang pinagsasabi ng bata. Imbes na maawa ako sakanya ay pagsisisi ang naramdaman ko dahil binigyan ko siya ng pera ngunit palabas lang pala ang lahat ng yon. Ngunit may parte din sakin na sang-ayon na binigyan ko siya ng pamasahe dahil walang-wala talaga siya at kawawa naman ang driver dahil kung sakaling hindi ko binigyan ng pamasahi ang bata ay lugi ang driber. Masasabi ko nalang na mag-ingat sa mga manloloko kahit ang kaharap mo’y isang bata o kaawa-awang tignan. Dahil hindi natin alam ang kanilang totoong intensyon kung masama ba o mabuti kung totoo ba o kasinungalinan.-tinuod jud ni nga nahitabo miss #sooodisappointedsabatanglalaki

SERBISYONG TOTOO
February 4,2020 Tuesday ang ika-limang araw ko sa gawaing pansibiko. Kung Lunes ay dapat maaga akong gumising para hindi ma late sa flag ceremony or sa klasse, lalong lalo na kapag martes dahil ito ang araw ko sa paglilingkod bilang isang CAT student. Tuwing Martes sa umaga ay kadalasang nasa gate ang inaatas sa akin. Minsan lang sa 1st floor, 2nd floor, 3rd floor, o hindi kaya’y 4rth floor. Sa post namin ay kami ang mag babantay, panatilihing malinis, walang masyadong maingay, at walang gulo ang mangyayari. Pagkarating ko kaagad sa school ay dumeretso ako sa may gate upang batiin ang mga studyanteng pumapasok at mga magulang ng “magandang araw”. Pagkatapos ng pagkanta ng Lupang Hinirang ay namimigay ako ng mga tardy slip o hindi kaya’y violation card. Binibigay ang tardy slip sa mga mag-aaral na nalalate pumasok bago pa matapos ang flag ceremony at ang violation card naman ay binibigay kapag ang mga kapwa ko mag-aaral ay hindi kompleto ang kanilang uniform o may printed t-shirt silang sinusuot. Pagkatapos ng duty ko sa may gate ay babalik naman ako sa oras ng recess. Ang post ko sa recess ay nasa 3rd floor. Sinisigurado kong tahimik at walang gulo ang mangyayari. Isa narin sa binabantayan naming mga CAT students ay ang pag gamit ng mga gadgets, lalong lalo na sa senior high department kung saan marami na ang na aktohan na gumagamit tuwing break time o hindi kaya’y lunch time. Kapag tumunog na ang bell hudyat ito na magsisimula na ang klasse. Dahil dun ay pinapasok ko ang mga mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan. 12:00 pm oras naming mga Cat students na mag duty ulit. Naatasan akong mag bantay sa 1st floor, madalas akong naka post sa canteen kapag lunch break kaya’t malaking pasasalamat kong sa 1st floor ako inilagay. Gaya ng dati’y pinapanatili kong walang gulo ang mangyayari at sinisita ang mga tumatakbo para mag-laro. Kadalasan sa mga naglalaro ay nasa grade school department. Mahirap silang pakiusapan dahil hindi sila nakikinig, kung makikinig man ay hihinto sila sandali ngunit ipagpapatuloy nila ang kanilang paglalaro maya-maya. Ang panghuli kong gagawin sa ngayong araw bilang CAT student ay mag flag retreat kasama ng mga Co-CAT students ko tuwing martes. Ang ginawa namin sa flag retreat ay ibinababa namin ang watawat ng Pilipinas para ibalik sa lalagyan nito. Bilang isang CAT student ay isang karangalang pakapaglingkod sa kapwa ko mag-aaral sa paaralang Divine Life Institute of Cebu. Hindi lang nalilimitahan ang pagtulong namin bilang isang CAT sa paaralan, kundi kasali na rin sa labas man ng skwelahan. Kahit minsan ay nahihirapan ako dahil nababawasan ang oras sa mga kailangan kong gawin sa school, nahahati ito dahil napupunta sa duties namin bilang isang CAT. Kahit pa ganoon ay masaya naman ako dahil nakaranas ako sa mga gawaing nakakatulong sa ibang tao at may matutunan akong aral bawat araw.

BAYANIHAN
February 3, 2020 Monday ang ika-apat na araw ko sa gawaing pansibiko. Ngayong araw ay walang masyadong nagbago sa gawi ko tuwing umaga. Ngayon ay Lunes ibig sabihin may pasok na naman. Kailangan gumising ng maaga para hindi mahuli sa klasse. Minsan ay hindi talaga ako maka-habol sa flag ceremony dahil paglabas ko palang sa kanto namin ay marami na kaagad ang mga taong nag aantay ng masasakyan. Kailangan ko pang makipag-unahan sakanila para sa huli ay maka sakay ako ng jeep. Mabuti nalang at nakahabol ako kanina sa flag ceremony at nakadalo sa unang gawain sa skwelahan. Gaya ng normal na araw ko tuwing linggo may bago na naman akong natutunan sa bawat asignatura. Dumako tayo pagkatapos ng klasse. Pagkatapos ng klasse ay tinulungan ko muna ang aking kaklasse sa kanyang costume sa paparating na family day namin sa linggo. Pagkatapos nun ay umuwi na ako sa bahay namin. Nakasanayan ko na ring matagal akong makauwi dahil sa limitado lang ang pampublikong sasakyan ng Compostela at mas marami ang mga pampublikong sasakyan ng Liloan. Dahil tatlumpung minuto na ako naghihintay ng pampublikong sasakyan ng Compostela ay sumakay nalang ako kahit ito ay punong-puno. Nakaupo ako sa pinakadulo malapit sa driber ng jeep. Kaya tulad ng dati kapag ako ang nakaupo malapit sa driber ay ako ang taga-abot ng pamasahe. Kahit ito lang ang nagawa ko ngayong araw ay natulungan ko parin ang aking kapwa “commuters” sa pag-abot ng pamasahe nila. Mas napapadali ang pagbabayad kapag may isang tao o ikaw mismo ang mag boluntaryong taga abot ng pamasahe. Minsan rin ay may mga taong mahihina ang kanilang boses at hindi masyadong naririnig ng drayber. Kaya minsan ay inuulit ko ang kanilang sinabi ng mas malakas para marinig ng mabuti ng drayber. Sanay na akong mag-abot ng pamasahe dahil palagi naman akong naka commute lalong-lalo na tuwing may klasse. Ang gawaing ito ay mahahalintulad ko sa pagbabayanihan ng mga tao. Gaya nalamang ng nakikiusap na iabot sa drayber ang pamasahe at kukunin sa katabi nito at ipapasa naman sa iba hanggang sa umabot ito sa drayber. Hindi ito maiaabot sa drayber kapag walang mga taong nagtutulungan. Kaya ang natutunan ko dito ay kapag mas maraming nagtutulungan ay mas napapadali ang isang gawain dahil sa mga taong busilak ang pusong tumulong sa iyo.

BATANG MANGANGALAKAL
February 2, 2020 Sunday ang pangatlong araw ko sa gawaing pansibiko. Ngayong araw ay napagpasyahan namin ng aking ina na pumunta sa Gaisano upang mamili ng mga gamit sa pang araw-araw naming pangangailangan. Ala Una palang ng hapon ay umalis na kami sa aming tahanan upang maiwasan ang rush hour. Habang nag-aantay kami ng masasakyan ay may mangangalakal na bata ang dumaan sa harapan namin. Pinupulot ang plastic bottles mga basura o mga bagay na maaring ibenta upang mapagkakitaan. May kasama itong mas bata pa sakanya at sa tingin ko’y kapatid niya ito. Namumulot din at tinutulungan ang kanyang kapatid. Sumagi sa isip ko na may mga batang mahirap ang pinag daanan. Mga batang walang tirahan at sa kalsada lang natutulog at namamalimos. Naisipan kong bigyan sila ng biscuit dahil may dala akong pagkain parati sa loob ng bag ko kapag may lakad kami para may makain ako kapag nagugutom sa gitna ng byahe. Binigyan ko sila ng pagkain hindi sa rason na may inatas sa amin na gumawa ng mga gawaing pansibiko kung hindi ay naaawa ako sa mga batang iyon na sa murang edad ay naranasan na nila ang hirap at mangalakal. Pagka-bigay ko sa biscuit ay nagdadalawang isip ang pinakabata kong tatanggapin ba niya ito o hindi. Sa tingin ko ay nagtataka ito kung bakit binigyan ko siya ng biscuit. Sa huli ay tinanggap niya ito at sinabing “salamat te”. Sa pagkabanggit palang niya ng “salamat te” ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Masarap sa pakiramdam na nasiyahan ito at tinanggap ang binigay ko sakanya. Hindi ko na sila nakausap pa o makapagselfie dahil naglakad ulit sila papalayo para siguro maghanap ng makakalkal. Sa pananaw ko mas mabuting bigyan sila ng pagkain sakaysa pera. May nakakasalamuha kasi akong mga batang palaboy na namamalimos pero ang pera na nalimos nila ay napupunta sa mga maling bagay. Sa pagbigay ko nag pagkain sa kanila ay naging mas panatag ang loob ko na may makakain sila at hindi sila magugutom sa oras na iyon. Inisip ko ang pang araw-araw nilang buhay kung araw-araw rin ba silang nangangalakal at nag bababad sa init o nakaka-kain ba sila ng tatlong beses sa isang araw. Kapag pumupunta kami sa lungsod ng Cebu ay lagi akong nakakakita ng mga pulubi sa daan. Gusto ko man tumulong sakanila ngunit wala rin akong maibigay. Kapag nangyari ulit iyon ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ang mga pulubi dahil kalunos-lunos din ang kanilang sinapit. Kaya’t balang araw na dadating ang panahon na maging matagumpay ako sa buhay ay tutulungan ko ang mga nangangailangan.

STREET VENDORS
February 1, 2020 Saturday ang ikalawang araw ko sa gawaing pansibiko. Araw-araw gabi-gabi nakikita ko sila sa daan. Ang iba naka babad sa init habang ang iba naman ay sumisilong sa may puno upang hindi mainitan. Sila ang mga taong naghahanap buhay ng marangal upang kumita sa isang araw. Tuwing hapon pagkatapos ng klasse ay nakapuwesto na sila sa labas ng paaralan upang magtinda. Madalas ang bumibili sakanila ay mga estudyante dahil mura lang at abot kaya sa bulsa. Makakabili ka na sa halagang sampung piso. Nilalapitan natin sila para sabihing “Ate pabili nga po ng Tempura” “Kuya pabili nga po ng kwek-kwek isa lang po” sila ang tinatawag nating street vendors. Kaya ngayong araw bumili ako kay kuya upang kahit sa kaunting sampung pisong bili ko sakanya ay kumita siya kahit papaano. Sila ang isa sa mga ipinagmamalaki natin bilang isang Pilipino dahil binebenta nila ang mga pagkaing sa Pilipinas lamang makikita. Kagaya na lamang ng pagkaing “kwek-kwek” na iniluluto gamit ang mantika at ipiprito upang maluto. Ito ay sikat na sikat na pagkain na karamihan sa atin ay nakatikim na nito. Habang bumibili ako ng tempura ay tinanong ko si kuya kung bakit siya nagbebenta ng mga street foods, sabi niya “Mao mani among negosyo gyud sauna pa lang”, “Ito talaga ang negosyo namin dati pa” sabi nito. Nakakatuwa isipin kahit hindi pang-professional ang kanilang trabaho at minsan sakto lang ang kanilang kiniketa upang makakain sa isang araw ay ito ang kanilang piniling negosyo at hindi lumingon sa maling daan sa buhay gaya na lamang ng pagbebenta ng mga droga o masasamang gawain. Pagbili lang ng kahit sampung piso sakanila ay malaking tulong na ito. Kaya’t paminsan-minsan kung merong natitirang pera ay bumibili ako sakanila. Kaya’t may nakuha akong aral kay kuya na bawat tao na sumusuko sa buhay ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Kahit sa hirap ng buhay ay nagawa parin nilang umahon sa kahirapan dahil sa pagbebenta ng mga street foods. Ito lamang ay pagsubok, nasa atin kung tayo ay magpapadala o may lakas upang lagpasan ang bawat hamon na ibinibigay sa atin. Subukang lumingon sa magandang banda ng ating buhay at gawing hugot ito upang mag simula ulit sa palaisipang buhay na ating tinatahak bawat araw.
#SeniorsinAction
